ALDUB’s Top 10 Kilig Moments ♥

11935033_1011986855515513_2792013584224811634_n
ALDUB’s First Meeting

Noone will ever forget the very first time they saw each other. Eto yung very raw reaction from both Maine and Alden. Maine even admitted in an interview that she was shaking when it happened and when she watched the replay she said that was Maine and not ‘Yaya Dub’ na napanood nya. And of course the famous plywood na naglabas ng official statement dahil sa mga dami ng bashers na sinisisi sya. Hinding hindi ko toh makakalimutan because we we’re in Boracay when this episode aired. Hopia na ko na magkikita sila kasi paikot ikot and laging nagkakasalisi silang dalawa. When suddenly pag ikot ni Alden pak tinugtog na yung God Gave Me You and nagkita sila. So dahil nga hindi na ko umaasa na magkikita sila nung biglang natuloy napatalon ako sa kama nung hotel. The bed frame was made of wood kaya crack dun sa gitna. Narinig namin lahat yung lakas ng crack ng bed kaya sobrang lakas ng tawa ng friends ko (oo mabigat ako tanggap ko!) and mga 100x ko ata toh nireplay replay sa phone ko. One of my fave episodes ever! haha!

 


 

11999075_1018851918162340_2798292263618737800_n
Kidnap Scene

Kung may first meeting syempre may second hehe! Eto yung hindi ka nainis sa kidnapper who turned out to Duhrizz pala. First time mo matuwa sa kidnapper dahil eto lang yung kidnap scene sa TV na kinilig ka, ang weird noh? HAHA! And of course yung straw- another famous character out of this episode. Dito natin nasimulan kiligin sa mga indirect kiss nila hehe! And when they were both naka blindfold and trying to look for each other, mamatay matay ka sa kakasigaw at napaos ka after ng episode na toh, aminin mo uy! So after this episode syempre may statement din yung straw! HAHA!

 

 

 

 

 


 

12356727_1083944501653081_951621918045060135_o
That Couple Jacket tho!

This episode is another addition to the long list of favorite ALDUB moments. In this episode where the lolas are missing in action, we all saw for the nth time the magic of ALDUB. Very evident yung ganda ng rapport nila. How comfortable Alden and Maine are with each other that they’re able to pick up on each other jokes spontaneously and effortlessly. We all saw how both are good in hosting especially Maine with only less than two months na inallow ng EB to use her own voice and speak. How funny these two can get when they’re together. Their chemistry on screen is very powerful that got us all hooked.

 

 


12065613_1033945979986267_5008867794453254292_n
First ALDUB picture

When Lola Nidora finally allowed Alden na umakyat ng ligaw sa mansyon. Full support ang buong dabarkads and it was an episode full of excitement. Dito nagsimula sumabog mga ovaries nyo at muntik na dalhin sa ospital yung katabi mo dahil bugbog sarado sa hampas at suntok mo. HAHA! Especially that moment when Alden accidentally touched Yaya’s hands while drinking water dahil nabulunan sya (HOKAGE moves). Dito yung natuwa ka sa pagka konsitidor ni Lola Tinidora dahil ilang beses nya tinulak yung dalawa at nawala sa 1 foot yung distance nila sa isa’t isa. Yung pinagpawisan ng husto si Alden sa tension ahihihi. And of course this was the day we all said goodbye to edited ALDUB pics because finally may picture na sila together. 🙂

 


 

886006_1056430261071172_232865261324983281_o
First Weeksary Together

Another first! First weeksary they spent together! This was when Alden surprised Maine and visited the barangay in disguise bilang riding in tandem. Nagdubsmash sila together habang naka abresiyete ni Maine kay Alden ahihihi. This was the episode where hindi pa tayo nakaka- move on sa Tamang Panahon tapos may biglang ganito na weekesary? Oxygen empty ka diba? HAHA!

 

 

 


 

12248208_1066063480107850_8865778932860838042_o
Buhat Pa More!

Newspaper dance has never been the same again  after this episode. For sure marami gagawa ng game na toh sa Christmas Party nila and sympre hopia ka na may isang Alden Richards na magbubuhat sayo ng ganyan. haha! Yung akala mo magsisiksikan sila dun sa nakatuping newspaper tapos hindi pala. They exceeded your expectation kasi binuhat nya! haha! At syempre bugbog sarado na naman yung katabi mo sa episode na to. At ano pa nga ba…. bilang ang huhusay mag edit ng ALDUB Nation naglipana sa Twitter, IG at Facebook ang picture na toh which seems to be a wedding photo. Clap! Clap! Clap! Hindi lang kayo mga SOCO. Mas mahusay pa kayo mag edit kesa mga professional graphic artist! haha! And sino nagreplay paulit ulit nung last part nito? Yung umakbay from the back si Maine kay Alden? Taas ang paa!

 

 

 

 


 

12386688_10153412360319032_1060646404_n
Almost First Kiss

The very first almost kiss ng ALDUB. Ang lapit na nito eh haha! Ang hot pati nung face ni Alden dito. Parang gustong gusto talaga nya tukain na si Maine haha!Mga 102 times ko inulit ulit tong part na toh.  And ofcourse another  buhat pa more episode.  After they ran away from the Lolas bilang naka paa lang si Maine, nag piggyback ride sya kay Alden. And I’m sure you will agree with me, ito lang yung nakita kong piggyback ride sa mga artista na hindi awkward tingnan diba? Actually parang wala naman gumagawa nito sa mga love teams pero bakit nung sila yung gumawa ang cute? I only see this in korean series right? How come these two can pull off perfectly  anything they do? At syempre dito nadulas si Alden! bwahahahaha! Tawa pa more!


 

12314212_1074840082563523_5665189718473448089_o
Almost Kiss Part 2

When Lola Babah finally let Alden and Yaya Dub follow their hearts, Yaya went to Broadway to finally see the man she loves. Eto yung wrap up ni Gasgas na pinagdasal mong hindi matapos haha! Ang konti na lang nito. Ang lapit na eh bakit ba kasi absent si Lola Tinidora at hindi tinulak tong dalawang toh! Isama mo pa yug hug na may kasamang ikot lakas maka- FOREVER ahihihi! Dito ka muntik ipa- barangay ng kapit bahay mo sa lakas ng tili mo. But na lang tumitili din yung kapitbahay mo kaya quits lang kayo!

 

 

 

 

 

 


 

 

 

12366662_10153412360079032_144670855_n
Coke TVC

Itodo na natin ang mga ‘almost kiss’ na yan! Kung dati naiinis ka sa dami ng commercial kapag nanonood ka ng palabas sa TV ngayon pati commercials inaabangan mo na rin. Kaya no time ka na mag CR. Tingnan mo after 1 year may UTI ka na lol! Pero in this TVC napagod yung replay button sayo dun sa BTS. Waaaaaaaahhhh yung tuloy tuloy yung paglapit ni Alden kay Maine umiwas lang si Maine! Ano baaaaaaaahhhh! kinilig ako ng malala! Walang paglagyan yung kilig. Umabot hanggang veins. This is the most beautiful ALDUB TVC for me. Halo halo na – HHWW, almost kiss at indirect kiss. Dinownload mo toh aminin mo!

 

 


 

12182609_1057295227651342_342718423757099022_o
Tamang Panahon

Last but definitely not the least. This is the most beautiful episode ever. Lahat na tinodo dito. We cried, we laughed, kinilig and after watching nakangiti ka pa rin. Gustong gusto ko yung part na nag holding hands sila. When they gave messages for each other ramdam mo yung sincerity. Lahat na ng emotion nandito sa Tamang Panahon episode. Mas nakilala natin si Maine dito. And ofcourse yung umiyak silang dalawa, nauna kapa umiyak diba?  Dito rin naghagis ng puting bandera ang kalaban hehe. This episode is a reminder to the youth that waiting for the right time is always worth it.

 

 

Photos courtesy of EB Facebook Page.

Advertisements

Leave a Comment =)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s